JOKE TIME! (U-LOL)
Ano bah! Bakit ba ako na lang palagi pinag-iinitan n’yo?
Answer: Takure
Taong mahilig magmagic, Magickero. Taong nambabasura: Basurero, Taong palagi nasa gimik: Gimikero, Taong palagi nasa kanto:
Answer: Tambay
Kapag mayaman: Pneumonia, Kapag mahirap:
Answer: TB
Mabuhok, matigas, labas-pasok sa madilim na butas.
Answer:Toothbrush
Bakit mas matalino ang lalake kaysa sa babae? Kasi dalawa ang kangyang
Answer:Ulo
Anong katabi ng USA?
Answer: USB
Hindi ko hinahangad an ipagmalaki mo na ako’y sayo. Ayoko lang naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo nlng ako itanggi.
Answer: Utot
Anong animal and nagsusuot ng bra?
Answer: Zebra
Ano may sabi? Kapag ang katawan mo’y nag-iinit, lagi na lang ako ang hinahanap mo. Maya’t maya mo akong ginagamit at pinapagod, hindi ka na naawa!
Answer: Aircon
Pagod na akong humawak ng balls mo! Pagod na rin ako sa pagbihis-hubad mo sa akin. Malapit na naman ulit! Ayoko na!
Answer: Christmas tree
Bugtong: Labas pasok gabi man o umaga. Ililalabas ko aking karga. Babae man ang pumasok sa akin o lalaki, ako ay walang pinipili.
Answer: Elevator
Bugtong: Iba iba sukat ng butas ko. Pag di maganda pakiramdam ko, ako ay tumutulo. Nasasarapan ka pagkinakalikot mo ako.
Answer: Ilong
Ano ang masarap sa itlog?
Answer: Kamutin
Itulak at hilahin, sigurado ang kain.
Answer: Lagari
Ano ang nabibili mo sa tindahan na di mo nahahawakan?
Answer: Load
Kung ang tagalog ng calculator ay talapindutan ng numero, ano naman ang tagalog ng typewriter?
Answer: Makinilya
Mabuhok na mabilog. Masara ito. Naglalaman ng putting likido.
Answer: Niyog
Bugtong: Pag-aari mo, dala-dala mo datapwa’t madalas gamitin ng iba kesa sayo.
Answer: Pangalan
Kung ang gumagapang sa aso ay garapata, sa buhok naman ay kuto, ano naman ang sa kabayo?
Answer: Plantsa
Hindi totoong anak ko si Bakekang! At lalong hindi ko kapatid si Mike Enriquez! Kaya pwede ba tigilan na ang tsismis na yan!
Answer: Shrek
Pinapasukan ako ng daliri, Pag bored ako, ako’y madalas mong lapirutin. Si Mr. Right Guy lagi nakakama sa akin.
Answer: Wedding Ring
Bugtong: Ang mukha’y parang tao, magaling lumukso.
Answer: Unggoy
Paborito mo akong paglaruan tuwing gabi sa kama. Wag mo akong gamitin oras ng trabaho ha. Ipahawak mo lang ako sa mga taong mahalaga.
Answer: Cellphone
Kadiri ba talaga ako lunukin? Sige, idura mo na! Lagi mo na man akong dinudura eh.
Answer: Toothpaste